Biyernes, Oktubre 31, 2014

Sanhi ng Pagtaas ng Presyo ng Bawang

Ang pangunahing dahilan ng pagsipa ng presyo ng bawang ay ang "Price Manipulation", ayon sa Senate Commitee on Agriculture. Isa pang dahilan rito ay ang mali maling pagdetermina ng Bureau of Plant Industry (BPI) at ng National Garlic Action Team kung ilan rami ang iaangkat na bawang. At isa pang posibleng dahilan ay kung may nagmamanipula ng presyo ng bawang.

Nasabing tatlong libong metric ton ng bawang ang inangkat ng BPI nitong Abril na siya ring nagpataas ngpresyo dahil sa kulang na suplay. Kung magpapatuloy ang ganitong gawain, magpapatuloy rin ang pagtaas ng presyo nito. Patuloy na magtyatyaga tayo sa mahal na presyo nito. Sana naman po ay mapagbuti ito. Mabantayan ng maayos dahil para ito sa kapakanan ng mamamatang Pilipino.



Pinagkuhanan ng litrato: http://www.remate.ph/2014/06/taas-presyo-sa-bawang-binubusisi-na/







Repleksyon tungkol sa pagtaas ng presyo ng Bigas

Lahat tayo’y nabubuhay sa panunahing pangangailang. Isa sa mga pangangailangang ito ay ang pagkain. Isa sa pagkain na hindi mo makikitang nawawala sa hapag-kainan ng isang pangkaraniwang Pilipino ay ang kanin, mayaman man o mahirap nakasanayan na nating kumain ng kanin tatlong beses sa isang araw, ni minsan ay napipilitan pang bumili pa ng kanin para lang matapatan ang paborito nating ulam. Ang kanin na ito ay galling sa bigas na galling sa palayan ng magsasaka. 


Ang Bigas ay maituturing isang mahalagang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Maraming pwededng gawin sa bigas bukod sa kanin tulad na lamang ng puto, harina, at iba pa. Ngunit sa kabila ng mga ito nito maraming tao ang nagiging sakim sa illusion ng ginhawa na ibinibigay ng pera, sa halip na tulungan ang mga taong naghihirap. Mga taong mas ninanais pang makalikom ng pera kaysa sa kanilang buhay. Sila ang mga taong gumagamit ng masamang gawain upang makalamang. At dahil sa panguugaling ito ay nagbunga ang mga masasamang paraan upang yumaman ang mga kompanyang hindi nakokonento, isa sa mga paraang ito ay ang tinatawag nating hoarding

Ang mga pribadong kompanyang ito ay hindi kontrolado ng NFA na sa dahilang ito ginagamit nila ito para sila’y makalamang. Napakasakit naman isipin na ang sariling kababayang Pilipino ang syang gumagawa ng mga ito, na hindi man lamang iniisip ang kalagayan ng iba ngunit ang sariling kapakanan. Sa isyung ito kailangan ng higit pang control sa mga kompanya na nag aasikaso ng bigas, kailangan may nag momonitor sa bawat galaw ng mga kompanyang ito. 






Pinagkuhanan ng litrato:http://www.untvweb.com/news/pagtaas-sa-presyo-ng-bigas-iimbestigahan-ng-dti/





Huwebes, Oktubre 30, 2014

Sanhi ng Pagtaas ng Presyo ng Kuryente

Isa sa mga sinasabing dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente ay ang pagkakaroon ng Malampaya maintenance shutdown na isinasagawa kada 3 taon. Nangangahulungang ito ay inaasahan. 

Nagpasya ang Meralco(Manila Electric Company na dating Manila Electric Railroad and Lights Company) na bumili ng kuryente sa ibang independent power producers tulad ng First Gen. Subalit hindi ito naging sapat kaya napilitan ang Meralco na bumili ng kuryente sa WESM( Wholesale Electricity Spot Market). Ang WESM ay nagtaas rin ng presyo dahil tumaas ang demand. 


Dahil sa pagtaas na ito, siguradong ipapasa rin ito sa mga konsyumer. Isa pa sa maaaring dahilan ay ang sabay sabay na shutdown ng mga planta na nagsusuplay sa nabanggit na kompanya. Hindi man naming masabi kung totoo nga kung may sabwatan bas a mga planta pero malaki ang itataas nito sa generation charge na ipapasa rin sa konsyumer.

Dahil rito, isa sa mga maaaring magawa ng gobyerno natin ay magtayo ng mga planta na magsusuplay ng murang enerhiya. Kapag maraming nagsusuplay pero pareho ang demand, bababa ang presyo.





Pinagkuhanan ng litrato: 
http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Pagtaas_ng_presyo_ng_petrolyo_at_singil_sa_kuryente,_tatapatan_ng_serye_ng_kilos-protesta.html