Huwebes, Oktubre 30, 2014

Sanhi ng Pagtaas ng Presyo ng Kuryente

Isa sa mga sinasabing dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente ay ang pagkakaroon ng Malampaya maintenance shutdown na isinasagawa kada 3 taon. Nangangahulungang ito ay inaasahan. 

Nagpasya ang Meralco(Manila Electric Company na dating Manila Electric Railroad and Lights Company) na bumili ng kuryente sa ibang independent power producers tulad ng First Gen. Subalit hindi ito naging sapat kaya napilitan ang Meralco na bumili ng kuryente sa WESM( Wholesale Electricity Spot Market). Ang WESM ay nagtaas rin ng presyo dahil tumaas ang demand. 


Dahil sa pagtaas na ito, siguradong ipapasa rin ito sa mga konsyumer. Isa pa sa maaaring dahilan ay ang sabay sabay na shutdown ng mga planta na nagsusuplay sa nabanggit na kompanya. Hindi man naming masabi kung totoo nga kung may sabwatan bas a mga planta pero malaki ang itataas nito sa generation charge na ipapasa rin sa konsyumer.

Dahil rito, isa sa mga maaaring magawa ng gobyerno natin ay magtayo ng mga planta na magsusuplay ng murang enerhiya. Kapag maraming nagsusuplay pero pareho ang demand, bababa ang presyo.





Pinagkuhanan ng litrato: 
http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Pagtaas_ng_presyo_ng_petrolyo_at_singil_sa_kuryente,_tatapatan_ng_serye_ng_kilos-protesta.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento